-- Advertisements --

May forever! Ikinasal na ng tuluyan ang isang lalaking 79-anyos sa kasintahan nitong 67-taon gulang na babae matapos ang ilang dekadang pagsasamahan.

Kasabay ng selebrasyon sa buwan ng mga puso, hindi alintana ang higit tatlong dekada o 32 taon magkasama ng dalawa na natuloy rin sa pagpapakasal.

Pinatunayan nina Manuel Delos Santos at Mae Dolar Baladiang na ang pagmamahal o pag-ibig sa isa’t isa ay walang pinilpiling panahon.

Paniniwalang hindi nakabatay sa kung masyado pang maaga o masyado ng matagal para pag-isahin ang dalawa nang silang manumpa at ikasal sa Bulwagan Villegas ng Manila City Hall.

Saksi mga tauhan city hall ng Maynila, pingunahan ng kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang selebrasyon o pag-iisang dibdib nila matapos ang deka-dekadang panahon.

Ayon sa groom, bagama’t matagal na silang nagkasama, magpasahanggang ngayon ay kinakailangan pa rin ng pasensya o ‘patience’ sa kanilang relasyon.

Habang masayang ibinahagi naman ng bride na ito na aniya ang masasabing pinakakatuparan ng buong bahay kasama ang partner na tunay nag-aruga sa kanya.

Dahil rito’y hiling ng alkalde na nawa’y kapulutan ng aral ang kanilang relasyon na nagbibigay halaga at pagkilala sa pagdiriwang ng kasal.