-- Advertisements --

Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang inspeksyon sa San Juan City Cemetery nitong Lunes, Oktubre 20 bilang bahagi ng paghahanda ng lungsod para sa Undas 2025.

Ayon kay Zamora, layunin ng inspeksyon na tiyakin ang kaayusan, kaligtasan, at kahandaan sa inaasahang dagsa ng mga bisita mula Oktubre 25, lalo na sa Nobyembre 1 at 2.

Magpapatutupad ang lungsod ng mga sumusunod na patakaran tulad ng visiting hours na mula ala-6 ng umaga hanggang alas-12 ng madaling araw (Nov. 1–2).

Gayundun ang pagbabawal sa mga baril, patalim alak, droga, pagsusugal, malalakas na sound system, pagpasok ng lasing, at ilegal na pagtitinda.

Paalala pa ni Zamora na itapon nang maayos ang basura at bawal din ang bisikleta/motorsiklo sa loob ng sementeryo.

Bukod dito magkakaroon din ng traffic re-routing sa Col. Bonny Serrano Avenue mula Nobyembre 1 hanggang 3, at mga alternatibong ruta para sa mga inaasahang dadalaw sa undas.

Inanunsyo rin ni Mayor Zamora ang planong pagtatayo ng crematorium at columbarium sa lungsod para sa libreng serbisyo sa mga residente at abot-kayang bayad para sa non-residents.