-- Advertisements --
Ipinakalat na ng Southern Police District (SPD) ang nasa halos 1,000 pulis upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa Southern Metro Manila sa pagdiriwang ng Araw ng mga Santo (Nov. 1) at Araw ng mga Patay (Nov. 2).
Ayon sa SPD, 968 na miyembro ng pulisya ang naitalaga na sa mga libingan, columbaria, transport hubs, at iba pang matataong lugar kagaya sa lungsod ng Makati, Taguig, Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, at Pateros.
Kasama rin ang 449 personnel mula sa ibang mga ahensya gaya ng AFP, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, MMDA, at mga lokal na pamahalaan.
Kasabay nito, ipinakalat din ang 3,347 force multipliers para sa traffic management, crowd control, at emergency response.
 
		 
			 
        















