Umabot sa 1,163 katao ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng Kaluluwa.
Sa kabuuang 1,391 operasyon, 517 sa mga naaresto ay may mga outstanding warrant of arrest para sa iba’t ibang krimen.
Ayon sa PNP, kabilang sa mga isinagawang operasyon ay laban sa iligal na droga (307 kaso), iligal na sugal (223 kaso), at mga loose firearms (199 kaso). Umabot sa 151,066.11 na gramo ng ipinagbabawal na droga ang nakumpiska.
Naitala naman sa kabuuang 92,894 tauhan mula sa iba’t ibang ahensiya ang na-deploy para sa seguridad ngayong Undas — kabilang dito ang 32,317 mula sa PNP, 18,838 ay mula sa AFP, BFP, at PCG, at 41,739 na force multipliers tulad ng mga barangay tanod at volunteers.
Kaugnay nito nakumpiska rin ng mga awtoridad ang 478 na mga patalim, 65 bote ng alak, 52 baraha, at iba pang ipinagbabawal na gamit sa sementeryo at pampublikong lugar.
















