-- Advertisements --

Pormal ng nanumpa si Atty. Jan Chan na siyang third nominee ng Ako Bicol party-list.

Pinalitan ni Chan si dating Rep. Elizaldy “Zaldy” Co na nagbitiw sa puwesto matapos na masangkot sa anomalya sa flood control.

Isinagawa ang panunumpa ni Chan sa pagbubukas ng session ng House of Representatives nitong Lunes sa harap ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Magugunitang iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Chan noong Nobyembre 12 bilang nagwagi sa partylist matapos ang pagsusumite ni Co ng kaniyang resignation noong Setyembre 29, 2025.