-- Advertisements --

Maaaring buksan muli ng Senado ang na-archive na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sakaling paboran ng Supreme Court (SC) ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng House of Representatives (HOR).

Ayon kay House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro, ang muling pagbuhay sa kaso ay nakadepende sa ilalabas na desisyon ng Korte Suprema sa darating na Pebrero 7, 2026.

Nilinaw ni Luistro na ang kasalukuyang legal na usapin sa SC ay may kinalaman sa “second mode” ng impeachment, kung saan higit sa one-third ng mga miyembro ng Kamara ang pumirma sa reklamo.

Dagdag pa ng mambabatas, kung ibabasura ng SC ang MR, kailangan pa ring sundin ang requirement para sa notice and hearing.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi magiging hadlang ang nakabinbing kaso sa SC kung may ihahain na bagong impeachment complaint sa ilalim ng “first mode” o yung mga reklamong dadaan muna sa pagsusuri ng Committee on Justice.