Inanunsyo ng DILG na 40 kasalukuyan at dating opisyal ng Bureau of Fire Protection na nagsilbi sa Bids and Awards Committee mula 2005 hanggang 2025 ang haharap sa kaso dahil sa umano’y rigged procurement deals at extortion.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, natuklasan ang bid rigging sa BFP na posibleng umabot sa bilyon-bilyong piso. Kabilang dito ang isang dating Quezon City fire marshal na diumano’y nagpilit sa isang negosyo sa Cubao na bumili ng libu-libong fire extinguisher.
Nagsimula na rin ang DILG ng mas malawakang imbestigasyon laban sa umano’y “organized crime syndicate” sa ilang BFP offices na kinasasangkutan ng recruitment, asset procurement, at fire safety permits.
Sinabi ng BFP na sinusuportahan nila ang kampanya laban sa korapsyon, nagpapatupad ng OPLAN SANTINDIG, at nakikipagkoordina sa Philippine National Police. Tiniyak ng ahensya ang zero-tolerance sa korapsyon at transparent na hiring practices. (report by Bombo Jai)
















