-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na may naobserbahang grassfire sa timog-silangang bahagi ng Taal Volcano Island noong Biyernes ng gabi, Enero 30.

Ayon sa ahensiya, namonitor ang sunog gamit ang kanilang remote monitoring systems at mga internet protocol cameras na naka-install sa Napayong Island at Taal Main Crater observation stations. Sinabi rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon upang matukoy kung may magiging epekto ito sa kasalukuyang kondisyon ng bulkan.

Sa ngayon, wala pang naitatalang senyales ng volcanic unrest na direktang kaugnay ng grassfire. Nananatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, na nangangahulugang may abnormal na aktibidad ngunit walang nalalapit na pagsabog.

Muling pinayuhan ang publiko na huwag pumasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa paligid ng Taal Main Crater at Daang Kastila fissure, na itinuturing na permanent danger zones. (report by Bombo Jai)