Umabot sa Mahigit 1.2 milyon ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa lahat ng pantalan sa bansa mula Oktubre 30 hanggang tanghali ng Nobyembre 2, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mas mababa kumpara sa halos dalawang milyong pasahero noong 2024.
Sa mismong Araw ng mga Patay, Nobyembre 2, naitala ng PCG ang 58,989 outbound at 51,050 inbound na pasahero sa iba’t ibang pantalan. Kasabay nito, 493 barko at 862 mortorbanca ang na-inspeksyon ng ahensya, at iniulat na walang naitalang insidente.
Samantala, iniulat din ng ahensya na isang lalaking nagbabad umano sa isang beach sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union ang nasagip matapos halos tangayin ng malakas na alon noong Nobyembre 1.
Agad na tumugon ang PCG at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Juan, kung saan ligtas na naibalik ang biktima sa kanyang pamilya.
















