-- Advertisements --

Nakipagkita si dating senador at kasalukuyang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima kay Ramil Madriaga sa kanyang detention facility noong Disyembre 8, ilang araw bago lumabas ang affidavit nito na nag-aakusa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng pagtanggap umano ng pondo mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at drug dealer’s para sa dati nitong kampanya.

Ayon kay De Lima, tinanong niya si Madriaga kung may ebidensiya itong magpapatibay sa mga alegasyon, kabilang ang mga utos na tinanggap niya mula kay Duterte, Vice President Sara Duterte, at Col. Nolasco.

Sinab daw ni Madriaga, mayroon siyang ebidensya upang suportahan ang kanyang mga alegasyon.

Ibinahagi rin ng Kongresista na nakatanggap siya ng isang liham mula kay Madriaga, na ipinadala noong Nobyembre 17, na humihingi ng tulong kaugnay sa kanyang kaso.

Ayon kasi kay Madriaga, siya ay ginigipit dahil sa mga akusasyong inihain laban kay Atty. Harry Roque.

Dagdag pa ni De Lima na dapat suriin ng Office of the Ombudsman ang mga pahayag ni Madriaga at tiyakin ang kaligtasan nito habang nasa piitan.