-- Advertisements --
Stranded ang kabuuang 4,631 pasahero, cargo at truck drivers sa mga pantalan sa bansa matapos makansela ang kanilang biyahe dahil sa masungit na panahon dulot ng tropical depression Wilma.
Base sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), mayroong mahigit 1,400 barko ang stranded din, 45 motorbancas, at 26 na rolling cargoes.
Pansamantalang suspendido rin ang biyahe at nakisilong muna ang nasa 107 barko at 53 motorbancas.
Naitala ang mga apektadong pantalan sa Southern Tagalog, North Eastern Mindanao, Northern Mindanao, Southern Visayas, Bicol, Eastern Visayas at Central Visayas.
















