-- Advertisements --

Mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Philippine Coast Guard (PCG) na tiyaking ligtas ang kalagayan ng mga Pilipinong mangingisda.

Kasunod ito sa ginawang pag-water cannon ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa Sabrina Shoal o Escoda Shoal na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ipinag-utos din ng pangulo ang pagpapakalat ng mga puwersa sa mga strategic locaitons para maprotektahan ang mga mangingisda.

Magugunitang sugatan ang tatlong mangingisda matapos ang ginawang pagbomba ng water cannon ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar.