-- Advertisements --

Pasok na sa ikatlong round ng Miami Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Tinalo nito si Laura Natalie Siegemund ng Germany sa score na 6-7, 6-3, 6-3.

Sa unang set ay dominado ng German national ang laro subalit pinilit ni Eala na maihabol hanggang umabot sa decision.

Pagpasok ng ikalawang set ay nakontrol ng 20-anyos na si Eala ng laro at buhat-buhat pa rin nito ang kaniyang lakas sa ikatlong set.

Bahagyang naantala ang pagsisimula ng laro dahil sa naranasang pag-ulan sa Miami.