-- Advertisements --
Tinanggal na ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang ilang mga pangalan ng bagyo sa kanilang listahan.
Ayon sa PAGASA, na mayroong pitong mga pangalan ng bagyo ang kanilang tinanggal sa kanilang regular na listahan.
Kaya aniya nila tinanggal ang pangalan ng bagyo ay dahil ito ay nagdulot ng matinding pinsala sa bansa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Crising, Emong, Mirasol, Nando, Opong, Tino at Uwan.
Nagdulot ang nasabing mga bagyo ng nasa 300 na nasawi at P10 bilyon na damyos sa agrikultura at imprastraktura.
Base sa pagtaya ng Office of the Civil Defense na ang nasabing mga bagyo ay nagdulot ng 373 katao na nasawi, 680 ang sugatan, 132 ang nawawala at P36-B na pinagsamang pinsala.
















