Inalmahan ng abogado ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla kaugnay sa umano’y nalalapit na pag-aresto sa kaniyang kliyente.
Ito’y kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, ang mga pahayag ni Remulla ay iresponsable at maaaring maglagay sa panganib sa buhay ni Ang, lalo na ang paglalarawan sa kaniya bilang “armado at mapanganib.”
Iginiit ng abogado na ang naturang pahayag ay tila nagpapahiwatig ng shoot-on-sight o shoot-to-kill na aksyon, kahit wala pang inilalabas na warrant of arrest mula sa hukuman.
Matarandaan na noong nakaraang linggo, pinasasampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong homicide, kidnapping, at illegal detention si Ang at 21 pulis kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero.
Sinabi ni Villareal na nananatili si Ang sa bansa at patuloy na nakikipagtulungan sa mga otoridad, at binalaan na ang mga pahayag na ito ay maaaring magdulot ng pre-judgment sa kaso.















