Nilinaw ng Bureau of Immigration na wala silang record ng kamakailang byahe ng puganteng negosyante na si Ayong Ang .
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng mga ulat na tumakas na ito patungong Cambodia sa kabila ng pagkakaroon ng arrest warrant sa kasong pagpatay.
Sangkot ang negosyante kaso ng pagkawala ng ilang mga sabungero.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval , batay sa kanilang datos, walang legal departure at wala itong indikasyon na nakalabas na ng bansa ang negosyante
Patuloy rin aniya ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang mga otoridad sa pagbabantay sa mga border ng bansa.
Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na kumpyansa silang nasa Pilipinas parin si Ang.
Sampung milyong piso pa rin ang alok ng gobyerno sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na makapagtuturo ng kinaroroonan nu Ang para sa agarang pagkakahuli nito.















