Pinabulaanan ng kampo ni Ramil Madriaga na politika ang dahilan ng kanyang akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Raymond Palad, abogado ni Madriaga sa panayam ng Bombo Radyo, matagal nang nagsasalita si Madriaga tungkol sa mga isyung kanyang nalalaman.
Noong nakaraang taon pa umano ay lumapit na ito kay Senadora Risa Hontiveros upang humingi ng tulong para sa isang patas na imbestigasyon.
May salaysay na rin ito na nagsasabing ginawang bagman sa kampanya ni VP Sara.
Nakasaad sa affidavit na may campaign funds mula sa POGO operators at drug syndicates noong 2022 elections.
Mariin namang itinanggi ng mga dating opisyal ni VP Sara ang anumang kaugnayan kay Madriaga at tinawag na walang basehan ang alegasyon.
Sa ngayon, nakatakdang imbestigahan ng Ombudsman ang mga pahayag ni Madriaga upang matukoy ang katotohanan.
Habang pinabulaanan naman ng panig ni VP Sara ang lahat ng mga alegasyon ng nasabing inmate.
















