-- Advertisements --
Humina na ang bagyong Basyang at tuluyan nang naging isang low pressure area (LPA) habang patuloy na kumikilos pa-kanluran sa Sulu Sea.
Huling namataan ang LPA sa layong 105 kilometro timog-silangan ng Cuyo, Palawan.
Wala nang nakataas na wind signal sa anumang bahagi ng bansa, ngunit inaasahan pa rin ang mga pag-ulan sa ilang lugar dahil sa natitirang kaulapan nito.
Una rito, ang bagyong Basyang ay nag-landfall sa Surigao del Sur at Northern Mindanao bago dumiretso sa Visayas at saka humina.
Sa kasalukuyan, kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Bagama’t hindi na banta ang malakas na hangin, pinapayuhan pa rin ang mga residente sa Palawan at kalapit na lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
















