-- Advertisements --

Pumanaw na si Benjamin Duterte, ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Vice President Sara Duterte sa isang social media post nitong Sabado, kung saan pinasalamatan niya ang mga nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa kanilang pamilya.

Ayon sa bise presidente, malaki ang naging papel ng kanyang tiyuhin na kilala rin bilang “Tiyo Bong” sa mga nagdaang taon, partikular sa paghahanda at operasyon ng kampanya para sa 2025 national at local elections.

“Tiyo Bong was one of the strengths beneath our wings during the 2025 national and local campaign planning and operations. His quiet leadership will be deeply missed as we look ahead to the 2028 elections. We take comfort in our faith, knowing that we now have a campaign manager in heaven securing the success of the Filipino people,” ayon sa post ni VP Sara.

Dagdag pa ni VP Sara na hiniling ng pamilya nang kanyang tiyuhin na gawing pribado ang lamay at libing nito.

“Before his passing, he expressed his wish that the wake and burial be limited to family and selected friends,” ayon kay Duterte.

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ukol sa sanhi ng pagpanaw.