-- Advertisements --

Ipinapabuwag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga community-based criminal groups na nag-rerecruit ng mga menor de-edad para gumawa ng mga krimen.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, na ang grupo ay binansagang “True Brown Style” (TBS) na umanoy kumukuha ng mga menor-de-edad para gumawa ng krimen.

Tinawag nito ang grupo bilang nakakaalarma dahil sa mga miyembro ng grupo ay mula edad 18 hanggang 20 at kumukuha ng mga miyembro na edad 14 hanggang 15-anyos.

Ilan sa mga bahagi umano ng kanilang initations ay ang magnakaw sa mga maliliit na tindahan.

Maituturing na ang grupo bilang mga groomers kung saan itinuturan ang mga bata para maging krimninal paglaki.

Patuloy din ang ginagawang pagtugis ng kapulisan sa mga groomers na kanilang nadiskubre mula sa iba’t-ibang suspek sa pamamaril sa mga paaralan.