-- Advertisements --
Minaliit lamang ng Malacañang ang usapin na pagsasanib nina Naga City Mayor Lenie Robredo at dating Senator Manny Pacquiao.
Ang nasabing usapin ay pinalutang ng isang political strategist na si Lito Banayo.
Subalit sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi bahagi ng administrasyon si Banayo kaya labas sila sa nasabing usapin.
Abala ngayon ang pangulo sa ilang mga usapin gaya ng inaasahang pagtama ng Super El Nino at marami iba pa.
Giit pa nito na malayo pa ang halalan para ito ay pag-usapan.
















