-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakaantabay pa rin ang kanilang puwersa sa mga maapektuhan ng tigil-pasada ng ilang transport group ngayong araw.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Pcol.Allen Rae Co, na mayroong ipapamahagi ang mga kapulisan ng libreng sakay sa mga walang masakyan.

Nakakalat din ang kanilang puwersa para magbigay ng seguridad kung saan nagaganap ang pagtitipon ng mga drivers.

Mayroong mahigit 8,000 na mga kapulisan ang kanilang ipinakalat kung saan sinabi ng police official na walang gaanong epekto ang nasabing tigil pasada ng mga transport group.