-- Advertisements --

Umano ng papuri mula sa ilang grupo ang bagong weapon system ng Pilipinas na gawang lokal na kung tawagin ay COBRA o Controller Weapon Operated Battle Ready Armament.

Ang naturang gawang Pinoy na weapon system ay pormal nang nai-turn over mula Department of Science and Technology (DOST) tungo sa Department of National Defense o DND.

Binuo ang COBRA system ng DOST-Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) upang magamit ng bansa.

Idinisenyo ito sa .50-caliber weapons na siyang maaring gamitin sa iba’t ibang mga sasakyang pandigma ng sandatahan.

Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, chairman emeritus ng ilang grupo kabilang People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), patunay ang COBRA system na kayang lumikha ng bansa nang hindi umaasa lamang sa inaangkat na teknolohiya.

Dagdag pa niya’y nagpapakita rin ito na ang siyensiya at talento ng mga Pilipino ay may mahalagang parte o ambag sa pambansang seguridad lalo na maging at sa pagtitiyak ng mga ahensiyang DOST, DND, at Armed Forces of the Philippines.

Kung kaya’y kanya ring pinuri pati lider ng bansa na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pagtutulak ng mga inobasyon at pagbibigay pagkakataon sa mga institusyon makibahagi para makatulong sa bayan.

“Ang inobasyon ay nagiging tunay na mahalaga kapag pinatitibay nito ang kakayahan ng estado na pangalagaan ang mamamayan,” ani Dr. Jose Antonio Goitia.

Habang sa parte naman ng sandatahan ay naniniwala silang mahalaga rin ang bagong weapon system sa kanilang isinusulong na modernisasyon.

Makatutulong anila ito mapagtibay ang mobility, precision, at mission adaptability lalo na ng kanilang mga kagamitan.