-- Advertisements --

Pormal nang itinalaga bilang bagong acting vice chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Air Force Lt. Gen. Rommel Roldan.

Pinalitan ni Roldan sa pwesto si Marine Lt. Gen. Jimmy Larida, na opisyal nang nagretiro sa serbisyo nitong Miyerkules.

Pinangunahan ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang simpleng seremonya ng pagpapalit ng pamunuan na ginanap sa Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers’ Country sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong gabi ng Miyerkules.

Sa nasabing pagtitipon, kinilala ni Brawner ang mga naging malaking ambag ni Larida sa sandatahang lakas sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Inilarawan din ng AFP chief ang posisyon bilang vice chief of staff bilang isang tungkulin na itinuturing na demanding and indispensable.

Pinuri ng opisyal ang naging dedikasyon ni Larida sa pamamahala ng kanyang tanggapan hanggang sa huling araw nito sa serbisyo.