-- Advertisements --

Naglunsad ng pambansang kampanya ang Philippine National Police (PNP) upang paalalahanan ang mga lisensyadong may-hawak ng baril ukol sa responsableng paggamit at ligtas na pagtatago ng sandata.

Isinagawa ng PNP Civil Security Group ang Gun Safety Advocacy Campaign matapos ang mga nakababalarmang insidente sa mga paaralan na kinasangkutan ng mga menor de edad na nakahawak ng baril.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng kampanyang ito na tiyaking mailalayo ang mga legal na baril sa mga taong walang pahintulot na humawak nito.

Inatasan na ang lahat ng regional police offices at mga lokal na yunit ng pulisya na magdaos ng mga seminar at palakasin ang impormasyon tungkol sa tamang pag-iingat ng baril.

Kasabay nito, hinimok ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko at mga paaralan na alamin ang mga hakbang sa ALICE protocol bilang paghahanda sa mga emerhensya at violent incidents.