-- Advertisements --

Tinanggal na ni US President Donald Trump ang video na kaniyang inilagay sa social media account nito na isang uri ng paninira kay dating president Barack Obama at asawa nitong si Michelle.

Itinuturing kasi ng marami na isang uri ng pagiging racist ang ginawa ng US President dahil tila itinuring ni Trump ang mag-asawa bilang mga unggoy.

Ang 62-segundo na video ay naglalaman ukol sa dayaan umano sa halalan noong 2020 presidential election.

Sa nasabing video ay makikita ang ilang mga kilalang Democrats na nag-anyong hayop gaya nina New York Representative Alexandria Ocasio-Cortez, New York Mayor Zohran Mamdani at dating Secretary of State Hillary Clinton maging si dating Pangulong Joe Biden ay nag-anyong unggoy na kumakain din ng saging.

Dumepensa ang White House sa nasabing post at sinabing ito ay isang uri lamang ng meme video kung saan pinayuhan ang mga kritiko na tigilan ang magalit.

Isa si Republican Senator Tim Scott na black American din ang nanawagan kay Trump na tanggalin ang video kung saa ito ang pinaka-racist na kaniyang nakitang ginawa ng White House.

Matapos ang makatanggap ng batikos mula sa ilang Republican senators na kaalyado ni Trump ay tinanggal din ang nasabing post sa Truth Social account ni Trump.

Sinabi ng isang opisyal ng White House na nagkamali lamang ang isa nilang staff kaya naipost ito.