-- Advertisements --

Ibinasura ng US federal judge ang criminal case laban kina New York Attorney General Letitia James at James Comey ang dating pinuno ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Sinabi ni District Judge Cameron McGowan Currie na ang prosecutor na may hawak ng dalawang kaso na si Lindsey Halligan ay iligal na itinalaga.

Nanindigan ang judge na walang legal na otoridad si Halligan para pagdiinan ang dalawa sa kaso at wala din ito ng prosecutorial experience dahi ang background niya ay insurance law.

Subalit nakasaad sa desisyon na maari pa ring ihain ang nasabing kaso.

Nahaharap si Comey sa kaso matapos magbigay ng impormasyon sa mga reporters noong 2017 sa pamamagitan ng kaniyang abogado subalit ng tanungin sa kongreso ay nagsinungaling ito kaya nitong Setyembre ay kinasuhan siya ng obstructing Congress noong 2020 at nag-plead not guilty ito.

Habang si James ay nadiin noong Oktubre ng one count of making false statement sa financial institution at one count of bank fraud.

Naniniwala ang abogado ng dalawa na kaya sila kinasuhan ay dahil sa pagiging kritiko kay US President Donald Trump.