Itinalaga pansamantala ang MV Maria Rebecca sa ruta na dating tinatahak ng MV Trisha Kerstin 3, ang passenger vessel na lumubog sa karagatang sakop ng Basilan, madaling araw ng Lunes, Enero-26.
Ang naturang barko ay may passenger capacity na 522 at tatahakin ang rutang Zamboanga – Lamitan, Basilan, isa sa mga pangunahing ruta sa Zamboanga-Basilan area.
Ngayong araw ay dumating na ang naturang barko sa Zamboanga City port at agad gagamitin para sa mga pasahero.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), walang idagdagdag na pamasaher sa pansamantalang pagsisilbi ng naturang barko na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines.
Magagamit din ito habang suspendido ang lahat ng fleet ng Aleson Shipping Lines, ang shipping company na nagmamay-ari sa Trisha Kerstin.
Kasalukuyan din ang safety inspections sa lahat ng mga barko ng Aleson, kasabay ng comprehensive audit sa Safety Management System ng naturang kumpaniya.
Sa huling report na nakuha ng Bombo Radyo Philippines, umabot na sa 29 ang namatay sa malagip na maritime incident.
















