Nahatulang guilty si Sean “Diddy” Combs sa dalawang kaso ng prostitusyon ngunit napawalang-sala sa mas mabigat na kasong sex trafficking.
Dahil dito, hindi na siya haharap sa habambuhay na pagkakakulong, ngunit maaari pa ring makulong ng hanggang 20 taon.
Batay sa mga testigo, kabilang na ang dating kasintahang si Cassie Ventura, pinilit umano ni Combs ang mga babae na makisali sa mga marahas at droga-fueled na sekswal na aktibidad habang siya ay nanonood at minsan ay nagvi-video.
Batay sa mga testigo, kabilang na ang dating kasintahang si Cassie Ventura, pinilit umano ni Combs ang mga babae na makisali sa ”drug-fueled sexual encounters” sa mga male prostitutes na tinawag pa umanong “Freak Offs” habang nanonood at nagvi-video ito.
Mariin na itinanggi ng kampo ni Combs ang mga paratang at iginiit ng kanyang mga abogado na may pahintulot ang lahat ng nangyari. Aminado man silang naging marahas si Combs sa ilang relasyon nito pero giit nila’y hindi ito pumapasok sa krimen.
Si Combs, ay isa sa may pinakamalalaking pangalan sa industriya ng musika at fashion, nakilala bilang tagapagtatag ng Bad Boy Records at naging daan sa pagsikat ng mga artist tulad nina Notorious B.I.G. at Mary J. Blige.
Noong 2022, tinatayang lagpas $1 billion ang kanyang yaman, ngunit bumaba ito sa $400 million dahil sa sunod-sunod na kinaharap na kaso.
Samantala, nakapiit si Combs sa Brooklyn jail habang hinihintay ang hatol ng korte ukol sa kanyang sentensiya habang nagpapatuloy rin ang mga kasong sibil kaugnay ng iba pang alegasyon ng sexual abuse.