Nilagdaan ng gobyerno ng Japan at Pilipinas ang ikalawang supplemental loan para sa rehabilitasyon at pagpapanatili ng MRT Line 3 na nagkakahalaga ng ₱8.175 bilyon.
Ang nasabing proyekto ay nakatuon sa pagpapalit ng mainline rails, general overhaul ng 72 CKD-Tatra light rail vehicles, at pagbili ng body frames at assembly.
Ang kasunduan ay nilagdaan sa Department of Foreign Affairs nina Secretary Ma. Theresa Lazaro at Japanese Ambassador Endo Kazuya.
Kasama rin sa proyekto ang pagbabago at pag-upgrade ng mga pangunahing subsystems tulad ng tracks, signaling, power supply, overhead catenary, gayundin ang komunikasyon, maintenance, at station equipment.
Ang MRT-3 ay matagal nang nagsisilbi sa average na 400,000 pasahero araw-araw.
Target na matapos ang proyekto sa Oktubre 2027.
















