Inihayag ng Department of Justice na bukas itong gamitin ang ‘committee report’ ng senado ukol sa imbestigasyon laban sa mga sangkot sa flood control projects anomaly.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, gusto aniyang makita nila ang naturang ‘report’ upang malaman ang mga ebidensyang nakapaloob rito.
Maari raw kasing magsilbi at magamit ito bilang ‘lead’ ng National Bureau of Investigation sa patuloy na pag-iimbestiga sa korapsyon sa flood control.
Subalit kanyang nilinaw na hindi ito nangangahulugan magiging basehan na kaagad para sa pagsasampa ng kaso sa korte laban sa mga matutukoy na sangkot.
Habang aminado si Prosecutor General Fadullon na kanilang hinihintay pa ang ilalabas na pinal na ‘committee report’ bago sila gumawa ng aksyon.














