-- Advertisements --
Pumirma ng kasunduan ang Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), at the Bureau of Customs (BOC) para mapalakas ang kampanya sa economic sabotage.
Pinangunahan nina Justice Secretary Fredderick Vida, BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, at NBI Director Melvin Matibag ang pirmahan ng Memorandum of Agreement.
Sinaksihan mismo ito ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Vida na layon nito ay para magkaroon ng mabilisang palitan ng impormasyon.
Inihalimbawa nito na kung ano ang nakuhang impormasyon ng isang ahensiya ay mabilis silang gumawa ng hakbang.
Bubuo sila ng joint task force at technical working group sa loob ng 30 araw.
















