Nagsimula noong Lunes (local time), ang pagpili ng hurado sa kasong kriminal laban sa kilalang hip-hop mogul na si Sean “Diddy” Combs sa New York.
Nahaharap siya sa mga kasong sex trafficking, racketeering conspiracy, at pag-transport ng mga prostitusyon — mga kasong maaaring magresulta sa habambuhay na pagkakakulong kung mapatunayang nagkasala.
Ang mga kaso ay nagsimula matapos magsampa ng civil suit ang dating kasintahan niyang si Casandra Ventura noong Nobyembre 2023, na sinundan ng higit 50 iba pang demanda. Bagamat naayos na ang kaso ni Ventura sa hindi isiniwalat na halaga na pag-pyansa ay tuloy ang pag-usig sa kanya ng federal government.
Ayon sa piskalya, ginamit ni Combs ang kanyang negosyo para pilitin ang mga babae na sumali umano sa mga tinatawag niyang “Freak Offs” — mga araw na puno ng droga at sekswal na aktibidad. Itinanggi ito ng kampo ni Combs, at sinabing ang lahat ng aktibidad niya ay hindi organisado.
Inaasahang matatapos ang pagpili ng hurado ngayong linggo at magsisimula ang paglilitis sa Mayo 12, 2025.
Kung mapatunayang nagkasala, maaaring makulong ang dating rapper nang hindi bababa sa 15 taon, at posibleng habambuhay.