-- Advertisements --

Iginiit ng House of Representatives na mananatili ang “fast-track” impeachment process na diretso sa Senado kapag inendorso ng hindi bababa sa 1/3  votes ng mga mambabatas, sa kabila ng kamakailang desisyon ng Korte Suprema (SC) sa impeachment procedures.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor, malinaw sa Saligang Batas na ang impeachment complaint na may sapat na endorsement ay dapat agad ipadala sa Senado para sa paglilitis, at hindi na dumaan sa House Committee on Justice. Aniya, ang anumang mungkahi ng SC na taliwas dito ay maituturing na panghihimasok sa kapangyarihan ng lehislatura.

Bagamat iginiit ang paggalang sa Korte Suprema, binigyang-diin ni Defensor na ang Konstitusyon ang pinakamataas na batas at ang Senado lamang, bilang Impeachment Court, ang may kapangyarihang magpasya sa kapalaran ng reklamo kapag ito’y naipadala na.

Dagdag pa ni Defensor, patuloy na aayusin ng Kamara ang mga panuntunan nito upang matiyak na naaayon ang mga ito sa teksto at intensyon ng mga bumalangkas ng Konstitusyon, habang pinananatili ang malinaw na paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay ng gobyerno.

Naniniwala naman si Defensor na mayruong judicial overreach sa hakbang ng Supreme Court.