-- Advertisements --
Sumampa na sa 32 ang bilang ng nasawi habang mahigit 160 ang nasugatan sa suicide bombing sa Shiite Muslim mosque sa kabisera ng Islamabad, Pakistan.
Inako naman ng Islamic State ang responsibilidad sa pag-atake at isinama ang pangalan at larawan ng umano’y suicide bomber sa inilabas nilang posts sa isang online messaging app (Telegram).
Ayon sa IS, binaril ng suicide bomber ang mga gwardiya na tinangkang pigilan siya bago pinasabog ang kaniyang explosive vest.
Sa isang statement, nagbabala ang grupo na masusundan pa ang naturang pag-atake.
Ito naman na ang itinuturing na deadliest attack sa Pakistan simula noong Enero 2023, nang pinasabog ang isang mosque sa northwestern city ng Peshawar na kumitil ng mahigit 100 katao.
















