-- Advertisements --

Aabot sa 15 katao ang nasawi at mahigit 30 iba pa ang sugatan matapos ang naganap na suicide bombing sa Pakistan.

Naganap ang insidente malapit sa political rally ng Balochistan National Party (BNP) sa Quetta stadium na matatagpuan sa Balochistan province.

Itinuturong nasa likod ng insidente ang Islamic State militant group.

Ang Balochistan ay matatagpuan sa border ng Afghanistan at Iran na ito ang pinakamalaki at pinakamahirap na rehiyon.

Ayon kay Balochistan health minister Bakht Muhammad Kakar na hindi na nakalapit sa political rally ang suicide bomber dahil sa mahigpit na ipinatupad na seguridad sa lugar.

Kinondina ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif ang insidente kung saan hindi magiging tama ang pagpapalaganap ng terorista sa nasabing lugar.