Isinisisi ngayon ng Taliban government ang pag-kasawi ng dose-dose nang katao gayundin ang nasagutan sa drug treatment centre sa Kabul, Afghanistan matapos tamaan ng isang air strike.
Pero mariing itinanggi ng Pakistan ang paratang at sinabing kanilang tinarget lamang ang mga military installations at “terrorist support infrastructure” sa Kabul at ilang bahagi ng lugar sa Nangahar.
Ayon sa ulat nanatiling nasusunog ang ilang bahagi ng ospital at may higit 30 labi na ang nailabas mula sa nasusunog na ospital.
Ayon pa sa pamunuan ng ospital maaaring may daang biktima mula sa halos 2,000 pasyenteng ginagamot doon ang naapektuhan.
Sinabi rin ng tagapagsalita ng Afghan Health Ministry, na walang mga pasilidad ng militar ang nakatayo sa paligid ng ospital.
Ilan naman sa mga residente sa lugar ang nakarinig ng malalakas na pagsabog sa Kabul, kasunod ng alingawngaw ng mga eroplano at air defense system.
Napag-alaman na muling lumala ang tensyon sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan kamakailan, matapos akusahan ng Pakistan na nagbibigay ng shelter ang Afghanistan sa mga militanteng grupo, bagay na pinabulaanan ng Taliban.
Batay sa United Nations Assistance Mission in Afghanistan (UNAMA), mula noong Pebrero 26, 2026, 75 katao na ang mga nasawi at may 193 ang nasugatan dahil sa tuloy-tuloy na labanan sa border ng dalawang bansa, kahit pa na may umiiral na ceasefire noong Oktubre, 2025.
















