-- Advertisements --

Hinamon ng Chinese Embassy sa Maynila ang mga senador at kongresista na ituloy ang panukalang ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan, kasunod ng kontrobersiya sa kanyang mga pahayag tungkol sa West Philippine Sea (WPS).

Tinanong ng embahada kung maituturing na pagbabanta o pamimilit ang panukala ng ilang mambabatas, bago hamunin ang mga ito na ituloy ang hakbang sa halip na umano’y mag-bluff lamang.

Nag-ugat ang kontrobersiya sa pahayag ni Jing na madaling mananalo ang China sakaling lumala ang tensyon sa WPS. Kinondena ito ng ilang opisyal ng Pilipinas, kabilang ang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense, na tumukoy sa pahayag bilang pagbabanta.

Binatikos din ng embahada si Philippine Coast Guard spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela matapos umanong bigyang-kahulugan ang kanyang post bilang pagbabanta kay Jing. Itinanggi ni Tarriela ang interpretasyon at inakusahan ang embahada ng maling pagsasalin o pagsisinungaling.

Patuloy ang tensyon sa pagitan ng Maynila