-- Advertisements --

Aabot sa 21 katao ang nasawi matapos ang naganap na car-bomb attack sa isang mosque sa north-western Pakistan.

Kabilang nasawi ang 15 kapulisan at isang apat na taong gulang na bata.

Nagtala rin ng mahigit 100 ibang mga katao ang nasugatan sa insidente.

Pinagbabaril din ng mga armadong suspek ang isang police facility sa Kohat City na matatagpuan sa probinsiya ng Khyber Pakhtunkhwa.

Nangyari ang pag-atake habang nagaganap ang pagdarasal ng mga mananampalataya sa loob ng mosque.

Tiniyak naman ni President Asif Ali Zardari ng Pakistan na mabibigyan ng tulong ang mga biktima.

Wala namang grupo ang umako sa nasabing pag-atake.