Maraming mga bansa ang nanawagan sa Afghanistan at Pakistan na magkaroon ng mapayapang pag-uusap.
Kasunod ito sa patuloy na tensiyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang bansa kung saan maraming katao na ang nasawi.
Ilan sa mga bansa ay ang Iraq, , Qatar Egypt , Turkiye at maging ang International Committee of the Red Cross (ICRC).
Mula pa kasi noong nakaraang taon ay nagsagawa ng air strikes ang Pakistan sa Afghan.
Matapos nito ay nanguna ang Qatar na mamagitan sa dalawang bansa para magkaroon ng ceasefire.
Subalit nitong ilang mga nagdaang linggo ay muling sumiklab ang pag-atake ng Pakistan kung saan tinarget nila ang kuta ng mga miyembro ng ISIS na siyang responsable sa ginanap na suicide bombing sa kanilang bansa na ikinasawi ng ilang mga katao.
















