Hindi baba ang 16 na kasundaluhan ang nasawi sa naganap na suicide bombing sa Khyber Pakhtunkhwa, Pakistan noong Sabado at iniulat na mahigit 20 katao, kabilang ang mga sibilyan, ang nasugatan.
Ayon sa mga ulat inako umano ng isang grupo mula sa Pakistan Taliban (TTP) ang pananagutan sa pag-atake, kung saan isang suicide bomber ang bumangga ng sasakyang may kasamang pampasabog sa isang convoy ng militar.
Bagaman inako ng grupo ang nangyari, inakusahan ng Pakistan ang India na may kinalaman sa pag-atake, ngunit mariing itinanggi ito ng India, at tinawag ang pahayag ng Pakistan na walang basehan.
Nabatid na ang pag-atake ay bahagi ng patuloy na pagtaas ng karahasan sa mga rehiyon ng Pakistan na malapit sa Afghanistan, na tinutukoy ng Islamabad bilang bahagi ng pag-suporta ng Taliban sa mga teroristang grupo laban sa Pakistan.