Kinumpirma ni US President Donald Trump na ipinag-utos niya sa kanilang militar ang pag-atake laban sa Islamic State group na nasa north-western Nigeria kasabay ng Pasko, Disyembre 25.
Inakusahan ni Trump ang grupo na kaniyang tinawag bilang mga terorista, na tinatarget at walang habas na pinagpapatay partikular na ang mga inosenteng Kristiyano.
Sa isang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng Christmas holiday sa kaniyang home estate sa Palm Beach, sinabi ni Trump na naglunsad ang US military ng maraming plantsadong pag-atake laban sa Islamic group na tanging ang Amerika lamang aniya ang kaniyang makagawa. Aniya, sa ilalim ng kaniyang liderato, hindi nila papayagang umusbong ang radical Islamic terrorism. Nagbanta rin si Trump na marami pa ang madaragdag kung ipagpapatuloy ng Islamic State group ang pagpatay sa mga Kristiyano.
Base naman sa US Africa Command, kinumpirma nito ang pag-atake sa border ng Nigeria sa norte na Sokoto state sa pakikipagtulungan sa Nigerian authorities.
Sa initial assessment, maraming teroristang ISIS umano ang napatay sa kanilang mga kampo.
Inihayag naman ni Nigerian Foreign Minister Yusuf Maitama Tuggar na ito ay isang joint operation target ang mga terorista at walang kinalaman sa partikular na relihiyon. Aniya, matagal ng planado ang naturang operasyon at gumamit aniya ng intelligence information na ibinigay ng panig ng Nigeria.
Hindi naman isinantabi ng Punong Ministro na magkakaroon pa ng mga kasunod na pag-atake depende sa desisyon ng mga lider ng dalawang bansa.














