Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nasugatan o malubhang naapektuhan sa nagpapatuloy na labanan sa Gitnang Silangan matapos ang ikinasang mga airstrike ng Amerika at Israel sa Iran.
Ayon kay DMW Secretary Hans Cacdac, nagpulong na ang mga opisyal ng Pilipinas kasama ang mga embahador at labor attaché sa rehiyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga tauhan ng gobyerno.
Sinabi ni Cacdac, sa ngayon walang Pilipino ang nasaktan r malubhang apektado sa nasabing pag atake.
Ayon sa DMW nakalatag na ang kanilang contingency measures gaya ng pagtiyak na nakahanda na ang supply ng pagkain, tubig, at mga pansamantalang matutuluyan para sa mga apektadong kababayan, mayroon nang plano para sa ligtas na transportasyon at pagpapauwi kung sakaling lumala pa ang sitwasyon.
Aktibo ding tinutugunan ng ahensya ang mga katanungan ng mga pamilya sa Pilipinas tungkol sa kalagqyan ng kanilang mga kamag-anak at ang mga aberya sa flight cancellations.
Sa ngayon, nanatiling naka-full alert ang mga embahada ng Pilipinas sa Tehran at Tel Aviv alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang bantayan ang kaligtasan ng mga Pinoy sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.










