-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang grupo ng mga negosyante sa bansa na magkakaroon ng malaking epekto ang nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) , na isa na dito ang pagtaas ng krudo dahil sa Gitnang Silangan kumukuha ang Pilipinas ng krudo mula sa Middle East.

Dahil din sa kaguluhan ay maaaring tumaas ang inflation na makakaapekto sa purchasing power ng ordinaryong Pilipino.

Habang ang grupong Federation of Philippine Industries (FPI) ay pinatitiyak sa gobyerno na tiyakin na magkaroon ng sapat na suplay ng pangunahing bilihin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng buffer stocking at price monitoring.