-- Advertisements --

Pinangunahan nina Jaylen Brown at Derrick White ang panalo ng Boston Celtics laban sa Miami Heat, 98-96.

Parehong gumawa ng clutch shots ang dalawang guard upang habulin ang single-digit na kalamangan ng Miami sa huling tatlong minuto ng ikaapat na quarter.

Hawak pa ng Heat ang 3-point lead mahigit dalawang minuto bago matapos ang laban, hanggang sa maitabla ang iskor sa 96-96, pabor pa rin sa Miami.

Agad binura ng Celtics ang kalamangan sa pamamagitan ng corner three ni White, at nakuha nila ang 98-96 na abante.

Hindi na nakabawi ang Miami at tinanggap ang 2-point na pagkatalo sa kamay ng 2024 NBA champion.

Sa pagtatapos ng laban, nagtala si Brown ng 29 puntos at pitong rebounds, habang may 21 puntos, limang assists, at apat na blocks si White.

Nasayang naman ang 26 puntos, anim na rebounds, at isang steal ni dating NBA champion Andrew Wiggins.