-- Advertisements --

Hindi apektado si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga sa panibagong parusang suspensiyon sa kaniya sa House of Representatives.

Naniniwala siyang naiintindihan ng kaniyang constituents sa Cavite ang kaniyang prangkang pagbatikos sa mga isyu sa Kamara at sa gobyerno.

Giit pa ng bagitong mambabatas na mas ikahihiya ng kaniyang distrito kung makaladkad ang kaniyang pangalan sa korapsiyon tulad ng maanomaliyang flood control projects kesa ang kaniyang prangkang mga post at komentaryo sa social media.

Hindi naman umano niya maipapangako na magiging maingat na siya sa kaniyang mga post sa social media kasunod ng panibagong suspensiyon sa kaniya.

Samantala, habang suspendido si Barzaga, gugugulin umano niya ang kaniyang panahon sa pakikipag-bonding sa kaniyang mga alagang pusa at aso.