-- Advertisements --

Nanalo ang Dallas Mavericks kontra Miami Heat, sa score na 113-109, matapos ang dikit na laban sa pangunguna ni Cooper Flagg na nagtala ng 29 points 11 rebounds at 6 na assists.

Maganda ang naging simula ng Miami sa unang quarter sa harap ng kanilang home crowd, ngunit nakabawi ang Dallas sa second quarter at nagtapos ang first half sa kalamangan ng Mavericks, 53-52.

Patuloy na naging dikit ang laban sa third quarter, kung saan bahagyang nanguna ang Heat, 84-83. Gayunman, tuluyang umarangkada ang Dallas sa huling quarter upang makuha ang panalo.

Naging susi sa panalo ng Mavericks ang layup ni Flagg na may 10 segundo na lamang na titira sa 4th quarter game. Samantala, pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang Heat matapos makapagtala ng ng 29 points, 15 rebounds at 11 assists para sa Miami, ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo.

Sa panalong ito, umangat sa 2-2 ang Dallas Mavericks, habang nanatiling walang panalo ang Miami Heat matapos ang apat na laro sa pagsisimula ng season.

Sunod na kakaharapin naman ng Dallas ang Oklahoma City Thunders sa Oktubre 29 na gaganapin sa American Airlines Center Dallas