Pinakawalan na ng Milwaukee Bucks ang kanilang superstar na si Giannis Antetokounmpo matapos pumayag sa isang blockbuster trade kasama ang Miami Heat.
Makukuha ng Heat si Giannis at Bobby Portis kapalit ng siyam na kasalukuyan at future picks ng koponan, kabilang sina Tyler Herro, Kel’el Ware, Jaime Jaquez Jr., Kasparas Jakucionis, No. 13 overall pick, 2031 first-round pick, 2033 first-round pick, 2030 first-round swap, at 2033 second-round pick.
Ito ang kauna-unahang malaking trade ngayong NBA offseason.
Si Giannis ang nagdala sa Bucks sa kampeonato noong 2021 NBA Finals, kung saan tinalo nila ang Phoenix Suns sa loob ng anim na laro.
Sa naturang serye, nakuha ni Giannis ang NBA Finals MVP award, na nagbigay sa Bucks ng kanilang unang championship trophy sa loob ng 50 taon.
















