-- Advertisements --

Pormal ng pumirma ng dalawang taon na kontrata sa Miami Heat si Klay Thompson.

Kasunod ito sa nagkaroon ng buyout sa pagitan gn Dallas Mavericks at Heat.

Ang nasabing kontrata ni Thompson sa Heat ay nagkakahalaga ng $11.5M.

Kabilang na dito ang 15 percent na trade kicker at dagdag na second-year player option.

Noon pa man ay naghahanap na ang Heat ng high-volume three point na siyang magdadagdag sa kanilang starting lineups.

Mas pinili ng Heat si Thompson kaysa sa mga free agents gaya nina Bradley Beal o si DeMar DeRozan.