-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa bansa si NBA legend Dwayne Wade.

Gaganapin ito sa darating na Oktubre 13-14 sa fan fest sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Matutunghayan ng ng mga fans ang ilang aktibidad gaya ng basketball challenges, Way of Wade experiences, at iba pa.

Ipapakilala din nito ang basketball talent sa pamamagitan ng kaniyang Wade Academy Future Stars Clinic.

Makakasama rin ni Wade ang kilalang basketball trainer na si Chris Johnson na magbibigay ng pagsasanay sa mga Palarong Pambansa basketball champions sa gaganaping exclusive session na nakatuon sa skills, preparation, mindset, leadership at aral mula kay Wade.